Linggo, Hulyo 27, 2014

v     PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN ( Heograpiya ng Asya )





Ang aking natutunan sa ating mga nakaraang aralin sa asignaturang araling panlipunan ay tungkol sa rehiyunal na pagkakahati ng asya at ang heograpiya ng asya ( pisikal na katangian ng asya , likas na yaman at klima ) .
 Ang pinakamalaki at ang pinakamatao na kontinente sa buong mundo ay ang Asya . Ito ay may sukat na 43 , 820 , 000 kilometro kwadrado o 16 , 920 , 000 milya kwadrado . Sa kontinenteng ito matatagpuan ang limang rehiyon na may kanya kanyang bansa . Ito ay Hilagang Asya , Kanlurang Asya  , Timog Asya , Timog Silangang Asya at Silangang Asya .
Ang mga bansang napapaloob sa Hilagang Asya ay ang mga sumusunod : Armenia , Azerbaijan , Georgia , Kazakhstan , Kyrgyztan , Mongolia , Tajikistan , Turkmenistan at Uzbekistan . Sa Kanlurang Asya naman matatagpuan ang labing limang bansa . Ang mga bansang ito ay nagngangalang Bahrain , Cyprus , Iran , Iraq , Israel , Jordan ,Kuwait , Lebanon , Oman , Qatar , Saudie Arabia , Syria , Turkey ,Unitrd Arab Emirates o UAE at ang bansang Yemen . Ang mga bansang Afghanistan , Bangladesh , Bhutan , India , Maldives , Nepal , Pakistan at Sri Lanka ay matatagpuan naman sa rehiyong Timog Asya . Labing isang bansa naman ang nakapaloob sa rehiyon ng Timog Silangang Asya . Ito ay mga bansang Brunei , Cambodia , East Timor , Indonesia , Laos , Malaysia , Myanmar , Singapore , Thailand , Vietnam at ang ating sariling bansa na  nagngangalang bansang Pilipinas . Ang Silangang Asya ay ang panglimang rehiyon sa asya na pinapalooban ng lilimang bansa . Ito ay ang nga bansang China , Japan , ang North at ang South Korea at ang pinaka huli ay ang bansang Taiwan . Ito ang rehiyunal na pagkakahati ng kontinenteng asya .
Isa rin sa aming pinagaralan at tinalakay ngayon unang markahan ay ang heograpiya ng asya . Ang heograpiya ay ang pagaaral tungkol sa pisikal na katangian at pagkakahati ng daigdig o ng asya , kasama ang mga likas na yaman , populasyon , klima at marami pang iba pa . Ang salitang heograpiya ay nagmula sa sa salitang griyego na geographia na ang pantig na geo ay nangangahulugang lupain o daigdig at ang pantig na graphia o graphen ay may kahulugan na sulat . Bahagi ng pagaaral ng mga pisikal na katangian ng daigdig ay ang mga anyong lupa at anyong tubig , klima ng isang bansa o lugar at ang mga likas na yaman ng isang pook .
Ito ang mga katangiang pisikal ng Kanlurang Asya . Ito ay amg pagkakaroon ng malawak na damuhan o grassland ngunit kakaunti lamang ang mga puno na matatagpuan sa Hilagang Asya. Ang grassland ay may tatlong uri .Ito ay ang Steppe , Prairie , at ang Savanna . Ang Steppe ay isang malawak na lupang nagtataglay ng damuhang mayroong mga ugat na mababaw . Ang lupain naman na may mga damong matatas na malalim ang ugat ay tinatawag na Prairie . Ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng mga steppe sa bansang Russia at maging sa bansang Russia at maging sa bansang Manchuria . Savanna naman ang tawag sa lupain na pinagsamang mga damuhan at mga kagubatan . Ang kanlurang asya naman ay salat sa tubig ang lupaing ito sapagkat ang malaking bahagi nitob ay disyerto . Oasis namn ang tawag sa lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at oasia naman ang tawag sa lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at tubig na maaring makabuhay ng mga halaman at mga hayop . Ito rin ay ay nagtataglay ng malaking suplay ng langus sa buong disyerto . Ang Timog Asya ay parang isang malaking tangwayna tila hugis tatsulok . Dito rin makikita ang mga nagtataasang nga kabundukan sa buong mundo o daigdig ka tulad ng Himalayas at ang sikat na sikat na Mt . Everest . Ang Silangang Asya , malaking bahagi ng populasyon ay naninirahan at nagsisiksikan sa silangang bahagi ng Silangang Asya , malaking bahagi ng populasyon ay naninirahan at nagsisiksikan sa silangang asya . Ito ay sa kadahilanang ang kanlurang bahagi iay mga kabundukan at talampas . Karamihan sa mga taong nakatira dito ay nomadikong nagpapastol .
May ibat ibang uri ang Vegetation Cover dito sa Asya . Ito ay ang Steppe , Prairie , Savanna , Taiga , tundra , at ang rain forest . ang steppe ay isang malawak na lupang nagtataglay ng damuhang mayroong ugat na mababaw . ang prairie naman ay mayroong damuhang matataas na malalim ang ugat . Ang savanna aylupain na pinagsamang mga damuhan at mga kagubatan. Ang taiga naman ay kagubatan na may tubig o lawa sa ginta sa gitna . ang tundra ay isang malawak na malwak na kapaligiran sa gilid ng bundok . Ang rainforest naman ay isang kagubatan na maraming puno . Ang biodiversity ay tumutukoysa pagkakaiba at pagiging katangi tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan .Iba iba ang dahilan o sanhi ng pagkasira ng lupa . ito ay ang salinization , desertification , overgazing , habitats , hinterlands , deforestation , ecological balance , siltation , at global climate change .Ang salinization ay ang lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa . Ang pagkasira naman ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkatuyo ng productivity nito ay tumutukoy sa desrtification . Overgazing naman ang tawag kapag ang kapasidad ng damuhan ay hindi sapat kaysa laki na kawan ng hayop Ang habitat ang pinaka apektado ng lahat ng conversion ng mga lupa dahil ito ang tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay . Ang hinterlands ay malayong lugar sa urbanisadong lugar ngunit apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod . Ang pagkasira at pagkawala ng mga punong kahoy sa mga gubat na isa sa mha problemang nararanasan sa asya sa kasalukuyan ay tinatawag na deforestation . Ang ecological balance ay ang balanseng ugnayan sa pagitan ng mga na may buhay at ng kapaligiran . Siltation naman angbyawag sa parami at padagdag ng deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar . angbred tide naman ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat . At na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o ng mga daigdigang gawain ng tao .
Matatagpuan rin sa asya ang ibat ibang uri ng anyong lupa kagaya ng mga sumusunod : Pulo oIsland , Tangway o Peninsula , Bundok o Mountain , Bulkan o Volcano ,Burol o Hill , Kapatagan o Plain , lLambak o vValley , Talampas o Plateau , kKapuluan o aAkipelago , Bulubundukin , at Disyerto o Dessert . Ang pulo o island ay isang anyonfg lupan na napapalibutan ng tubig . Umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat ng mga pulo sa asya at kabilang dito ang Cyprus ,Andaman ,Sri lLanka , Maldives , Borneo ,Taiwan , at marami pang iba . Tangway o peninsula naman ang tawag sa anyong lupa na napapalibutan ng tubig na nakadugtong sa isang mas malaking lupa o lupain na nakausli sa karagatan ng asya . Ilan sa mga halimbawa ng tangway o peninsula ay angTurkey , Arabia , India , at Ttimog Korea . Bundok o mountain ang tawag sa isang mataas na anyong lupa na napapaligiran ng mga lupain . Ang Mt . Everest na nakahanay sa Himalayas ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8 , 850 metro . Ang anyong lupa na may pagkakatulad sa isang bundok ay ang tinatawag na bulkan . Ito ay naglalabas ng lava o kumukulo o tunaw na bagay . Tinatayang nasa humagit kumulang 300 aktibong bulkan ang nasa asya tulad ng sSemeru , Krakatoa , Fuji ,Pinatubo , at Mayon Volcano . Aang burol o hill ay iaang malaking umpok ng lupa na mas maliit kumpara sa bundok . Ang burol ay mas mababa at hindi matarik kung ikukumpara sa bundok .Isang halimbawa nito ay ang chocolate hills sa bohol na matatagpuan sa ating bansa . Ang kapatagan ay tumutukoy sa malawak at patag na lupain . Halos sangkapat o 1/4 na bahagi ng lupain ng asya ay kapatagan . Ang indo - gangentic plain at malaking bahagi ng timog asya ay bahagi nito .Lambak o valley ay isang patag na lupang matatagpuan sa pagitan ng dalawang bundok . Ang talampas o plateau ay isang kapatagan sa itaas ng bundok . Ang Tibetan Plateau na itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong na mundo na may taas na 16 , 000 talampakan at tinaguriang " ROOF OF THE WORLD " ay nasa asya . Ang kapuluan o arkipelago ay pangkat ng mga pulo na marami sa asya tulad ngIndonesia , Ang piinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na 13 , 000 mga pulo . Bulubundukin o hanay ng mga bundok . ang pinakatanyag na bulubundukin dito sa mundo ay ang himalayas na may habang umaabot sa 2 , 414 kilometro o 1 , 500 milya .Disyerto o dessert . ito ay isang anyong lupa na madalang makaranas ng pag ulan o precipitation . Ang gobi dessert na siyang pinakamalaki sa asya at pang apat sa buong mundo . Iba pang halimbawa ng disyerto na matatagpuan dito sa asya ay ang taklamakan , kara kum , at mga disyerto sa Iraq , Iran , Saudi Arabia , at India . Iba iba rin ang uri ng klima sa asya tulad na lang ng sa hilagang asya na may mahabang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan , at maigsi ang tag init . Gayun paman , malaking bahagi ng rehiyong ito ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig . Hindi naman palagian ang klima sa kanlurang asya , maaring magkaroon ng labis o sobra o d kaya ay katamtamang init o lamig ang lugar na ito . Ang timog asya naman ay nakararanas ng iba ibang klima sa loob ng isang taon . mahalumigmig kung buwan ng hunyo hanggang buwan ng hunyo hanggang buwan ng setyembre at taglamig naman kung buwan ng disyembre hanggang buwan ng pebrero . At kung buwan naman ng marso hanggang buwan ng mayo ay tag init at tag tuyot ang kanilang nararanasan . Monsoon climate naman ang uri ng klima sa silangang asya , dahil sa lawak ng rehiyong ito ,Ang mga bansa dito ay nakararanas ng ibat ibang panahon , mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude , malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang mga bansa na bahagi ng rehiyon . Halos lahat naman ng mga bansa sa rehiyong Timog Silangang Asya ay nakararanas ng klimang tropikal , nakararanas na tag init , tag lamig , tag araw , at tag ulan .
Yan ang lahat ng aking natutunan sa asignaturang araling panlipunan sa loob ng humigit kumulang tatlong buwan o sa unang markahan ng aming isang taong pag aaral .
«  Kahalagahan ng heograpiya sa pag aaral ng kasaysayan
Ang heograpiya ay hindi lamang tumutukoynsa pag aaral ng mga mapa at globo . Ang malalim at kritikal na pagtingin sa heograpiya ay nakapagdadala sa atinsa mas mainam na pag unawa sa mga kaganapan sa daloy ng kasaysayan ng mundo

Isinagawa ng mag aaral na si:
  Denise M . Lazaro
Ipinasa kay:
  G . Onofre Lopez .

Noong ika - 27 ng buwan ng Hulyo taong dalawang libo at labing apat .